'Snap' hindi solusyon, sagot ni Sen. Drilon

Inihayag naman kahapon ni Senate President Franklin Drilon na hindi ang pagkakaroon ng "snap election" ang solusyon sa kinakaharap na suliranin ng bansa bagkus ay mas angkop na magpatawag ng mini-political summit si Pangulong Arroyo upang pag-usapan ang problema ng bansa.

Sinabi ni Sen. Drilon, sa pamamagitan ng mini-political summit kung saan ay dadaluhan ng iba’t ibang political leaders ay mapag-uusapan ang iba’t ibang aspetong nagiging sanhi ng suliranin ng bansa.

"There could be sharing of ideas so that we can really unite our people and those who are really interested in upholding the constitution regardless of our political differences can work together to stabilize the situation without asking anyone to give up any political activitiy geared towards 2004," wika ni Drilon.

Ipinaliwanag naman nina Senators Ramon Magsaysay Jr. at Robert Barbers na ilang buwan na lamang ang kailangang hintayin para sa May 2004 kaya hindi na kailangan na magkaroon ng "snap presidential elections."

Makabubuti rin kung ititigil muna ang pamumulitika sa halip ay magkaisa ang lahat ng sektor at makiisa ang oposisyon sa Arroyo administration para magkatulong na lutasin ang mga problemang kinakaharap ng bansa sa pulitika at ekonomiya. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments