Ombudsman pinakikilos sa US dollar ni Ping
August 28, 2003 | 12:00am
Inaamag na umano sa tanggapan ng Ombudsman ang kasong kriminal na isinampa kaban kay Senador Panfilo Lacson kaugnay sa umanoy multi-milyong kayamanan ng senador sa Amerika.
Ito ang ibinulgar kahapon ni House Deputy Speaker Raul Gonzales matapos na hiniling nito sa isang sulat kay Ombudsman Simeon Marcelo kung bakit walang ginawang aksiyon ang tanggapan kaugnay sa kasong nakahain dalawang taon na ang nakakaraan.
Ang kahilingan ni Gonzales ay sinuportahan ni Bacolod Rep. Monica Puentevella na humiling naman sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na imbestigahan ang mga umanoy kasalukuyang kayamanan ni Lacson at ang kanyang asawa sa loob at labas ng Pilipinas.
Ang ulat tungkol sa US bank account ni Lacson ay nakapaloob sa ulat ng US Attorney Generals Office.
Nakasaad sa opsiyal na dokumento ang detalyadong impormasyon hinggil sa anim na US bank acocunts ng mag-asawa na may total deposits na $1.1 milyon mula 1996 hanggang 2001.
Ang dokumento na isinumite ng US govt sa Pilipinas batay na rin sa napagkasunduang RP-US Mutual Assistance treaty, ay ginaw anina commisisoner miles Ehrlich, assistant US Attorney, Northern district at California; US Attorney David Shapiro at Criminal Division Chief Douglas Wilson.
Kinukumpirma ng mga naturang dokumento na mayroong nakadepositong pera ang mag-asawang Lacson sa Amerika noong ito pa at matapos ang termino ni Lacson bilang hepe ng PNP.
Hiniling ni Gonzales kay Lacson na magpakalalaki at aminin at ipaliwanag kung paano niya nakuha ang mga nasabing malaking halaga ng salapi.
Hinamon naman kahapon ni Lacson ang dalawang kongresista na kung mabibigo sila na patunayan ang kanilang akusasyon na mayroon siyang dollar account sa US ay dapat handa din silang magbitiw bilang mambabatas.
Wika ng senador, hindi siya magtatagal ng kahit isang minuto sa Senado kapag napatunayan nina Reps. Gonzales at Puentebella na mayroon siyang dollar account sa US. (Ulat nina Malou Rongalerios/Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended