Presyo ng gasolina,LPG tumaas na naman
August 26, 2003 | 12:00am
Nagtaas kahapon ng presyo ang Petron Corp. at Total Petroleum ng 40 sentimo kada litro sa gasolina at diesel, at 50 sentimo sa bawat kilo sa presyo ng LPG (liquified petroleum gas) ang kanilang idadagdag.
Susunod ring magtataas ang Caltex at Shell pero pinag-aaralan pa kung kailan.
Isinisi ni Virgilio Rulvivar, spokesman ng Petron, ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa patuloy na pagtaas ng presyo nito sa world market. Binanggit nito na tumaas ng average na $3 dolyar ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan mula noong Hunyo hanggang ngayong buwan at patuloy rin na bumubulusok ang piso kontra dolyar.
Nagbanta pa ang mga kumpanya ng langis na hindi pa ito ang huling pagtataas na magaganap. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest