Ito ay matapos na katigan ng Mataas na Tribunal ang petition for review ni Toh at asawa nitong si Luis kaugnay sa kasong isinampa ng Solidbank Corporation laban sa nasabing mag-asawa at kumpanyang First Business Paper Corporation (FBPC) na kinakatawan ng mga ito.
Batay sa 21-pahinang desisyon ng Supreme Court Second Division, tuluyang pinawalang-sala ng korte ang nabanggit na financial confidant at accountant ng Unang Ginoo sa pagkakautang nito na P10,539,758.68 na may karagdagang 12 porsyento kada taon na umaabot sa kabuuang P45 milyon.
Sa halip ay ipinasabalikat na lamang ng korte sa iba pang opisyal ng kumpanya na kinabibilangan ng mag-asawang sina Kenneth Ng Li at Ma. Victoria Ng Li ang pagbabayad sa naturang halaga.
Kasabay nito, pinawalang-bisa ng Mataas na Hukuman ang ipinalabas na desisyon ng Court of Appeals noong Hulyo 2,2002 na nagbabasura lamang sa isinampang motion for reconsideration ni Vicky Toh matapos na magdesisyon ang Pasig City RTC Branch 161 matapos mapatunayang nagkasala ang naturang mag-asawa at iba pang opisyal ng nabanggit na kumpanya sa Solidbank. (Ulat ni Grace dela Cruz)