Kongreso 2 beses napasok ng baliw
August 24, 2003 | 12:00am
Hiniling kahapon ng ilang mambabatas sa liderato ng Kongreso na ipag-utos sa House Internal Security Group (ISG) at PNP-Special Action Force (SAF) na ayusin at lalo pang higpitan ang pagbabatay sa Batasan Complex na dalawang beses na nalusutan ng isang baliw na lalaki na nais maging sundalo ni Sen. Panfilo Lacson.
Nagtataka si Ilocos Norte Rep. Imee Marcos kung paano pang nakakalusot sa loob mismo ng Batasan Complex ang isang baliw na lalaki na nagbasag pa ng bintana nitong nakaraang Martes.
Kinumpirma ng ilang guwardiya na kasapi ng ISG at SAF na nakapasok sa loob ng Batasan Complex ang isang mental patient na nagngangalang Michael Ruelo sa pamamagitan lamang nang pagtalon sa bakod.
Ayon sa isang SAF personnel na tumangging magpabanggit ng pangalan, nahuli nila si Ruelo at pinalabas sa main gate nang makita itong gumagala sa Batasan grounds.
Sinabi pa ng impormante na nakapasok muli si Ruelo na posible aniyang dumaan sa isang hukay na gawa ng mga asong kalye sa likurang gate ng Batasan Complex. Binasag ni Ruelo ang isang salamin sa ground floor ng main building ng Kamara kung saan ito dumaan kaya siya nasugatan at nagkaroon ng mga patak ng dugo sa sahig.
Nang muling mahuli ng mga miyembro ng SAF, ibinigay nila ang mental patient sa CPD-Station 6 para imbestigahan. Inamin umano ni Ruelo na nais niyang maging sundalo ni Lacson na naging guest of honor sa flag-ceremony noong Lunes kaya pinilit niyang makapasok sa Batasan Complex.
Ayon kay Marcos, kung isang mental patient na katulad ni Ruelo ay nakakapasok sa loob ng Kamara lalo na kung walang pasok ay dapat magpatupad ng mas mahigpit na seguridad ang SAF at ISG. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended