Quality technicians sa emmission testing ng LTO giit
August 24, 2003 | 12:00am
Iginiit kahapon ng transport groups sa Department of Transportation and Communications (DOTC) na magtalaga ng mga certified technicians sa lahat ng Motor Vehicles Inspection Section ng Land Transportation Office (LTO-MVIS).
Ayon kay Efren de Luna, pangulo ng Philippine Confederation Drivers Organization-Alliance of Concerned Transport Organization (PCDO-ACTO) at Medardo Roda, pangulo ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), kailangang mapangasiwaan ng mga high-grade technicians and smoke emission testing sa rehistro ng mga sasakyan upang mabigyan ng mahusay na serbisyo ang publiko at maiwasan ang korapsiyon.
Naniniwala ang naturang transport groups na maiibsan ang korapsyon sa LTO-MVIS hindi man tuluyang maglaho kung aaksyonan ng DOTC ang kanilang kahilingan.
"Meron diyang mga bus, bagong rehistro yan pero dahil may nagaganap na anomalya sa emission testing, mausok pa ring nakakabiyahe yan sa kalye," ayon sa isang motorista.
Binigyang-diin pa ni de Luna na kaisa ang kanilang mga grupo sa kampanya ng pamahalaan laban sa mauusok na sasakyan sa ilalim ng Clean Air Act of 1999.
Hiniling din ng transport groups sa DOTC na ibalik sa PETC ang emission testing ng mga pampasaherong sasakyan dahil sila ay may mga Technical Educational Skills Development Authority (TESDA) certified technicians at kumpletong pasilidad.
Nais din ng naturang mga grupo na mapangasiwaan ng PETCs ang emission testing sa mga mauusok na sasakyan na nahuhuli sa mga lansangan dahil sila ang accredited ng DOTC at LTO na magsagawa ng smoke test sa mga sasakyan.
Ang transport groups at Philippine Emission Testing Operators Assn. (PETCOA) officials sa pangunguna ng pangulo nilang si Tony Halili ay takdang magkapit-bisig na layuning maalis ang polusyon sa hangin na nagmumula sa mauusok na sasakyan. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended