Pinay na iniulat na namatay sa Iraq bombing,buhay pala
August 23, 2003 | 12:00am
Buhay pa ang isang Filipina na iniulat na kabilang sa nasawi sa pambobomba sa United Nations (UN) headquarters sa Baghdad, Iraq noong Martes ng gabi.
Nagulantang at halos walang pagsidlan ng galak ang mga kaanak ni Marilyn Manuel matapos makatanggap ng isang tawag mula sa embahada ng Pilipinas sa Baghdad na nagsasabing buhay ang nabanggit na Pinay.
Kasalukuyang naka-confine sa isang military hospital sa labas ng Baghdad si Manuel, gayunman ay hindi pa batid ang kapinsalaang natamo nito buhat sa pagsabog.
Nilinaw ni Foreign Affairs acting secretary Franklin Ebdalin na ang naunang balita sa pagkamatay ni Manuel ay nagmula sa UN Security office.
Ayon kay Ebdalin, posibleng ang naunang balita kay Manuel ay nagmula sa kabiguan ng UN report na maisama si Manuel sa bilang ng mga dayuhang tauhan ng nasabing tanggapan. Si Manuel ang tumatayong sekretarya ni UN special envoy Sergio Vieiro de Mello, isa sa 8 top officials ng UN na namatay sa insidente.
Samantala ay sinabi naman ni Grace Escalante, Philippine Charge d Affaires sa Baghdad na naipagbigay alam na sa anak ni Manuel sa New York na kinilalang si Vladimir, ang kalagayan nito.
Isa pang Pinoy, si Ranillo Buenaventura ang iniulat na namatay. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended