Trillanes kakasuhan sa pagsabing arogante si GMA
August 22, 2003 | 12:00am
Tiniyak kahapon ni Armed Forces of the Philippines Judge Advocate General (JAG) Brig. Gen. Mariano Sarmiento na pananagutin ng AFP si Navy Ltsg. Antonio Trillanes sa ginawa ntong pang-iinsulto at lantarang pambabastos kay Pangulong Arroyo.
Ayon kay Sarmiento, dapat parusahan si Trillanes upang hindi na ito pamarisan pa ng iba pang mga opisyal at tauhan ng AFP sa pagpapakita ng kawalang galang sa Commander-in-Chief ng lantaran nitong sabihing arogante ang Pangulo sa pagdinig ng Feliciano Commission kamakailan.
Nilinaw ni Sarmento na si Trillanes ay walang ligtas sa kaparusahan ng batas matapos nitong labagin ang Item No. 63, disrespect towards the president; Item No. 96, conduct unbecoming of an officer and a gentleman at Item No. 97 disorder made neglect to the prejudicial of good order and discipline, na napapaloob sa Articles of War at may katapat na parusang pagkakasibak sa serbisyo at pagtatanggal ng mga benepisyo sa AFP. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest