Ping walang modo
August 22, 2003 | 12:00am
Tahasang ipinamukha ng negosyanteng si Vicky Toh na katulad ni Senador Panfilo Lacson ang isang taong balasubas, walang pinag-aralan at hindi dapat igalang bilang mambabatas matapos idawit ang pribadong indibidwal sa pamumulitika nito.
"I can only say to Sen. Lacson is that youre not an officer and a gentleman. Youre invading our privacy, we are legitimate business people," giit ni Toh.
Ayon kay Toh, propesyunal at hindi personal ang relasyon niya kay First Gentleman Mike Arroyo kaya walang katotohanan ang paratang ni Lacson na may anak sila ng naturang opisyal.
Inihayag kahapon ni Toh na malamang kapatid ni Lacson na si Cristina Diaz, empleyado ng Union Bank, ang siyang nagbigay ng mga maling impormasyon sa mambabatas na nagdadawit sa kanilang bank account sa katauhan ni First Gentleman Arroyo.
Inamin pa ni Toh na pag-aari nilang magkapatid at bayaw na sina Thomas Toh at Kelvin Tan ang ginamit na bank account ni Lacson sa kanyang expose upang hindi na maging isyu pa ang naturang salapi.
Sinabi ni Toh, hindi dapat ipagtaka kung bakit mayroon silang milyong pisong nakadeposito sa bangko dahil pawang lumber importation at iba pang wood products ang negosyo nilang tatlo.
Pinag-aaralan din ng mga abogado ng pamilya Toh at Tan kung anong kaso ang maaaring isampa laban kay Lacson kabilang ang ilang kasamahan at kaanak nito na nanghimasok sa kanilang pribadong buhay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended