^

Bansa

Sundalong pumunta sa Oakwood nadenggoy

-
Nabunyag kahapon sa isinagawang pagdinig ng House committee on national defense na nilinlang umano ng kanilang opisyal ang ilang sundalong sumali sa Oakwood mutiny.

Sa testimonya ni Sgt. Manuelito Dagdag ng Charlie Company ng Phil. Army na nakabase sa Montalban, Rizal, sinabi nito na sumunod lamang sila sa utos ng kanilang commander na si 1st Lt. Sonny Sarmiento.

Wala umano silang ideya na pupunta sila sa Oakwood at magsasagawa ng kudeta. Pinaniwala umano sila na mayroong operasyon dahil dalawang araw bago ang mutiny ay sinabi sa kanila ng kanilang commanding officer na maghanda dahil sa kanilang napipintong dalawang araw na strike operation sa pagitan ng Pitong Bocaue at Wawa, Bulacan.

Nagdala pa umano sila ng ng mga kaldero para sa operasyon.

Ayon kay Dagdag, ginising sila ng alas-2 ng madaling araw upang maghanda sa operasyon noong Hulyo 27 kung saan dalawang mini-bus ang kanilang sinakyan. Isang red armband umano ang ipinasuot sa bawat sundalo habang tumatakbo na ang mini-bus. Nasorpresa na lamang umano sila nang dalhin sa Glorietta kung saan isinagawa ang mutiny. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AYON

BULACAN

CHARLIE COMPANY

DAGDAG

GLORIETTA

HULYO

MALOU RONGALERIOS

MANUELITO DAGDAG

PITONG BOCAUE

SONNY SARMIENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with