Sa panayam ng Frontpage noong Martes, kinumpirma ni Atty. Gelacio Mamaril na alam ni Vicky Toh ang mga negosyo at pananalapi ni Mike Arroyo na kanyang pinagsisilbihan bilang accountant.
Sa ibang panayam, sinabi ni Mamaril na si Vicky ay ang chief financial officer ng LTA Inc., isa sa mga korporasyong pag-aari ng pamilya Arroyo.
Sinabi pa ni Mamaril na matagal nang empleyado si Vicky ni Mike na nagsimula noong 1980s. Si Mamaril ang tumatayo ring abugado ni Thomas Toh Jr., ang kapatid ni Vicky na nadadawit din sa money laundering activities ni Mr. Arroyo batay sa naging privilege speech ni Sen. Panfilo Lacson.
Batay sa mga bank statements na nakalap ni Lacson as of July 30, 2003, si Jose Pidal ay may P36.6 million sa Union Bank; Victoria Toh, P19.3M; Thomas Toh, P7.5M at Kelvin Tan, P21.1M.