Infra projects ng AFP ipinahinto ni GMA
August 19, 2003 | 12:00am
Iniutos ni Pangulong Arroyo ang paghinto ng mga infrastructure projects sa AFP, ito ay sa gitna ng patuloy na paglutang ng mga anomalya sa militar.
Inilabas ng Pangulo ang direktiba kay Defense Secretary Angelo Reyes upang itigil ang proyektong nakabinbin sa AFP maliban sa pagtatayo ng mga gusaling paaralan at kalsada sa mga barangay.
Batay sa kautusan ng Pangulo, isasailalim sa pagbusisi ng binuong Task Force on AFP Procurement and Disbursement Procedures na pinamumunuan ni Defense Undersecretary Constancia de Guzman.
Sa ngayon ay isinasailalim na sa masusing pagsisiyasat ang mga transaksiyon na kinasasangkutan ng AFP matapos akusahan ng mga miyembro ng Magdalo ang matataas na opisyal na sangkot sa ibat ibang katiwalian. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended