Arsenal dir. pinagpapaliwanag
August 19, 2003 | 12:00am
Pinagpapaliwanag ni Defense Secretary Angelo Reyes si Government Arsenal Director Eriberto Varona sa Commission on Audit (COA) hinggil sa natuklasang kuwestiyunableng P77.8M discrepancy sa mga aklat at aktuwal na inventory report sa mga kagamitan at pag-aari ng nasabing kagawaran.
Sa paliwanag ni Varona kay Reyes, nagkaroon umano ng pagbabago sa pamamaraan ng accounting hinggil sa isinagawang imbentaryo ng mga bala sa government arsenal kaya hindi ito tumugma sa auditing ng COA.
Ikinatwiran ni Varona na ang nasabing pagbabago ay alinsunod sa repormang isinasagawa sa government arsenal upang mapabilis ang proseso ng imbentaryo.
Ipinag-utos naman ni Reyes na makipagtulungan si Varona sa COA at ipaliwanag ang lahat sa nasabing auditing body upang malinawan ang ulat hinggil sa kinukuwestiyong P77.8 milyong kakulangan sa imbentaryo ng government arsenal. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest