Media hindi gigipitin ng Palasyo
August 18, 2003 | 12:00am
Tiniyak ng Malacañang na hindi ginigipit at tinitiktikan ang media kaugnay sa insidente na pagsita ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa TV reporter na si Tina Panganiban-Perez ng GMA-7 hinggil sa pag-interbyu nito kay Senador Gregorio "Gringo" Honasan.
Ayon kay Press Secretary Milton Alingod, wala ring ginagawang paniniktik ang Palasyo sa mga taga-media lalo sa Malacañang Press Corps.
Ayon sa Kalihim, hindi dapat na mangamba ang mga mamamahayag dahil mananatili ang kalayaan sa pamamahayag ng mga ito at hindi bubusalan ang bibig.
"Nobody is under serveillance," ani Alingod.
Nakipaglinawan na rin mismo ang Pangulo sa Management ng TV Network at tiniyak na walang plano ang Malacañang na magsampa ng kaso laban kay Panganiban kaugnay sa bintang na pagtulong sa kasong rebelyon ni Honasan. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended