8 tauhan ng Phil. Navy tinitiktikan
August 18, 2003 | 12:00am
Walong tauhan ng Naval Special Warfare Unit (NSWU) ng Philippine Navy ang masusing tinitiktikan upang malaman kung may kaugnayan ang mga ito sa nag-aklas na Magdalo group na pinamumunuan ni Lt. Sr. Grade Antonio Trillanes IV.
Ito ay matapos na makalkal na nagsumite muna ang mga ito ng leave of absence gaya ng Magdalo group bago maganap ang Oakwood incident sa Makati City noong Hulyo 27.
Ayon sa isang impormante, ang mga sumasailalim sa imbestigasyon ay sina Petty Officer 3 Julius Mesa, seaman; William Abliter, SN Arnel Capuno, PO3 Christopeil Tiktik, PO3 Jesmar Landong, PO3 Romie Gumia, PO3 Robert Repulca at PO3 Jerry Asuncion.
Nabatid kay Capt. Rico Borromeo, Commander Officer ng Task Force 71 na nangangasiwa sa NSWU na nagsipagsumite ng leave of absense ang walong nabanggit at idinahilan ng mga ito ay schooling, paternity leave at rest and recreation (R&R) na siya ring kinasangkapang dahilan ng mga nagsipag-aklas na junior officers ng Armed Forces of the Phils. (AFP).
Sinabi ni Borromeo na wala pang linaw kung may partisipasyon ang nasabing mga tauhan ngunit patuloy umano ang ginagawang pagtiktik ng Special Warfare Group dahil sa hindi pa nawawala ang bantang coup d etat na inamin mismo ng matataas na opisyal ng AFP hanggat may hindi pa nakikilalang mga opisyal at tauhan ng Magdalo group.
Patuloy na isinasagawa ni PN Navy Vice Admiral Ernesto de Leon ang loyalty check sa kanyang mga tauhan matapos ang ginanap na command conference nitong nakaraang linggo. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended