Itoy bunsod sa inihaing kahilingan ng Ombudsman sa pangunguna ni Special Prosecutor Dennis Villaignacio na mali ang pagpapayag ng Sandiganbayan na makapagpiyansa ang dating alkalde sa kasong plunder.
Batay sa 2-pahinang en banc resolution, binibigyan ng non-extendable of 10 days si Jinggoy upang ihain ang kanyang komento sa SC kung bakit hindi dapat katigan ang nasabing kahilingan.
Matatandaan na umakyat sa SC si Villaignacio makaraan katigan ng anti-graft court ang naturang motion ng dating alkalde.
Iginiit pa ng naturang opisyal na walang karapatan na makapag-bail si Jinggoy dahil sa capital punishment ang kinakaharap nitong parusa, gayundin ay malalakas ang inihain nilang ebidensiya laban dito upang idiin sa kasong pandarambong.
Binigyang-diin pa nito sa kanyang naunang petition na hindi dapat ituring ng Sandiganbayan na maliit ang kaso ni Jinggoy dahil plunder pa rin ang kaso. (Ulat ni Grace dela Cruz)