^

Bansa

Jinggoy pinagpapaliwanag ng SC

-
Bunga ng petisyong ibalik sa kulungan si dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada, nais ng Korte Suprema na maghain ito ng paliwanag kung bakit hindi siya dapat maibalik sa Veterans Memorial Medial Center (VMMC) sa Quezon City.

Ito’y bunsod sa inihaing kahilingan ng Ombudsman sa pangunguna ni Special Prosecutor Dennis Villaignacio na mali ang pagpapayag ng Sandiganbayan na makapagpiyansa ang dating alkalde sa kasong plunder.

Batay sa 2-pahinang en banc resolution, binibigyan ng non-extendable of 10 days si Jinggoy upang ihain ang kanyang komento sa SC kung bakit hindi dapat katigan ang nasabing kahilingan.

Matatandaan na umakyat sa SC si Villaignacio makaraan katigan ng anti-graft court ang naturang motion ng dating alkalde.

Iginiit pa ng naturang opisyal na walang karapatan na makapag-bail si Jinggoy dahil sa capital punishment ang kinakaharap nitong parusa, gayundin ay malalakas ang inihain nilang ebidensiya laban dito upang idiin sa kasong pandarambong.

Binigyang-diin pa nito sa kanyang naunang petition na hindi dapat ituring ng Sandiganbayan na maliit ang kaso ni Jinggoy dahil plunder pa rin ang kaso. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BATAY

BINIGYANG

BUNGA

JINGGOY

KORTE SUPREMA

QUEZON CITY

SAN JUAN MAYOR JINGGOY ESTRADA

SANDIGANBAYAN

SPECIAL PROSECUTOR DENNIS VILLAIGNACIO

VETERANS MEMORIAL MEDIAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with