^

Bansa

Mosyon ng ISAFP ibinasura ng CA

-
Nabigong maharang kahapon ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) na ilipat ang venue ng nakatakdang pagdinig sa petition for habeas corpus para sa limang junior officers sa Appellate Court.

Batay ito sa ipinalabas na resolusyon kahapon ng Court of Appeals (CA) na nagbasura sa 5-pahinang "Very Urgent Motion" na inihain kahapon ng ISAFP sa pamumuno ni Gen. Pedro Cabuay.

Una rito, inihain ang petisyon sa Korte Suprema na payagan nito na mailipat mula sa CA patungo sa AFP Commissioners Club sa general headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City ang gagawing pagdinig sa mga nakadetineng junior officers dahil "highly-security risk" ang gagawing pagbiyahe sa mga nasabing sundalo sa itinakdang pagdinig sa CA sa Lunes, Agosto 18 dakong alas-10 ng umaga.

Iginiit pa sa petisyon na mas makabubuting doon (AFP GHQ) na dinggin ang mosyon para makapagsagawa na rin ng ocular inspection doon.

Ito’y upang mapatunayan na umano ng mga mahistrado kung may katotohanang napagkakaitan ng karapatang pantao ang mga rebeldeng sundalo sa nasabing kulungan ng ISAFP, partikular ang reklamong pang-aabuso gaya ng hindi sila maaaring makita ng ka-pamilya, kaibigan o abugado ng mga ito dahil walang bintana at nakatakip ang mukha kung ito’y kinakausap at dinadalaw.

Matatandaang inatasan ng Korte Suprema ang CA na magsagawa ng pagdinig kaugnay sa inihaing petition for habeas corpus para kina Navy Ltsg. Antonio Trillanes, Capt. Milo Maestrecampo, Capt. Gerardo Gambala, Navy Capt. James Layug, Ltsg. Eugene Gonzales at Capt. Gary Alejano. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES

APPELLATE COURT

CAMP AGUINALDO

CAPT

COMMISSIONERS CLUB

COURT OF APPEALS

EUGENE GONZALES

GARY ALEJANO

GERARDO GAMBALA

KORTE SUPREMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with