^

Bansa

'Inutusan akong pasabugin ang mosque sa Davao' - Maestrecampo

-
Iginiit kahapon ni Capt. Milo Maestrecampo sa pagdinig ng senate committee of the whole na inutusan siya ng kanyang batallion commander na pasabugin ang isang mosque sa Davao City.

Sinabi ni Maestrecampo, hindi siya sumunod sa kanyang batallion commander dahil alam niyang hindi naman ito ang kanilang target na kalaban matapos ang naging pagsabog sa Sasa wharf.

Ipinaliwanag pa ni Maestrecampo sa kanyang batallion commander na wala din siyang mga tao na posibleng gumawa ng pagpapasabog subalit nangyari din ang pagpapasabog sa mosque kaya naniniwala siyang ibang tropa ang gumawa nito.

Ibinunyag pa ni Maestrecampo na bago naganap ang Sasa wharf ay nakita si dating ISAFP chief Gen. Victor Corpus sa Davao kaya naniniwala siya na may kinalaman ito sa nasabing pambobomba.

Aniya, kung sakaling nagkataon lamang na naroroon noong umaga sa Davao City si Corpus bago naganap ang Sasa wharf bombing ay mahina ang kanyang intelligence capability dahil hindi niya natunugan ang ganitong pangyayari.

Winika pa nina Maestrecampo at Lstg. Antonio Trillanes na nakasaad sa kanilang nakuhang dokumentong "Oplan Green Base" ang pagbomba sa Sasa wharf kaya malakas ang kanilang paniwala na kagagawan ito ng liderato ng AFP.

Dahil dito, hiniling ni Senate Majority Leader Loren Legarda na ipatawag ng Senado ang sinasabi ni Maestrecampo na kanyang batallion commander na nag-uutos na bombahin ang isang mosque sa Davao City. (Ulat ni Rudy Andal)

ANIYA

ANTONIO TRILLANES

CAPT

DAVAO CITY

MAESTRECAMPO

MILO MAESTRECAMPO

OPLAN GREEN BASE

RUDY ANDAL

SENATE MAJORITY LEADER LOREN LEGARDA

VICTOR CORPUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with