^

Bansa

BSP governor 1-taong suspindido

-
Isang taong sinuspinde ng Court of Appeals (CA) si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Rafael Buenaventura at ilang pang matataas na opisyal nito dahil sa kapabayaan ng tungkulin.

Sa 19 pahinang CA 5th division, binaligtad ng Appelate Court ang naunang hatol ng Ombudsman na abswelto sa kasong administratibo sina Buenaventura natapos na pinabayaan nitong magsarado ang ilang mga bangko dahil sa pagkalugi.

Base sa nasabing desisyon kasamang parurusahan ang mga BSP officials na sina Alberto Reyes, Ma. Dolores B. Yuvienco, Candon Guerero at Tomas Ave. Jr.

Nag-ugat ang kaso laban sa kampo ni Bueneventura matapos kasuhan sa Ombudsman ng dating presidente at director ng Urban Bank Inc. (UBI), Urbancorp Development Bank (UDB) at Investments, Inc. (UII) na si Teodoro Borlongan.

Kinasuhan ni Borlongan ang mga nasabing opisyal ng paglabag sa Republic Act 6213 at 7653 o paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standard for Public Officials dahil sa umano’y pagsasabwatan upang mapasara ang kanilang mga bangko at paglalagay ng pangangasiwa dito sa ilalim ng Philippine Insurance Deposit Company (PDIC) noong Abril, 28, 2000 ng walang due process.

Ikinatwiran naman ng BSP nag-alok sila ng tulong pinansiyal sa nasabing bangko subalit hindi umano sapat ang collateral capability ng nasabing bangko para mabigyan ng financial assistance.

Sinabi ng CA sa halip na tulungan ng BSP bilang government institution na siyang tumutulong sa mga naluluging bangko, ay agad pang inutusan nito na magsara na lang. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

ALBERTO REYES

APPELATE COURT

BANGKO SENTRAL

CANDON GUERERO

CODE OF CONDUCT AND ETHICAL STANDARD

COURT OF APPEALS

DOLORES B

GOVERNOR RAFAEL BUENAVENTURA

PHILIPPINE INSURANCE DEPOSIT COMPANY

PUBLIC OFFICIALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with