Blood compact foto inilitaw
August 14, 2003 | 12:00am
Upang patunayang si Senator Gregorio Honasan ang utak ng nabigong kudeta kamakailan, ipinalabas kahapon ng Palasyo ang isang larawan na kasama ng senador ang grupong Magdalo sa isinagawa umanong "blood compact."
Ang larawan ay inilabas sa media ni Presidential Security Group (PSG) Chief Supt. Delfin Bangit na kuha ng digital camera upang ipakitang si Honasan ay kasama ng mga miyembro ng grupong Magdalo at isa na umano rito ay si Navy Lt/SG Antonio Trillanes.
Sinabi ni Bangit na ibinigay sa kanya ang litratong ito noon lang nakaraang linggo subalit sinabi umano ng kanyang impormante na kuha ito noong Hulyo 13 nang diumanoy magsagawa ng blood compact ang mga miyembro ng Magdalo kasama si Honasan.
Makikita sa larawan na nakatalikod si Honasan at naroon din ang bandilang pula ng Magdalo.
Gayunman, hinihinala ng mga reporter sa Malacañang na pineke umano o niretoke ang naturang larawan upang palabasing naroroon ang senador.
Ang suot na damit ni Honasan ay katulad ng suot niya nang magtungo siya sa Oakwood Premier Hotel noong makipag-usap siya sa mga nagrebeldeng sundalo,
Kapansin-pansin sa dalawang kuhang larawan na hindi nagbabago ng puwesto si Honasan samantalang ang lahat na nasa litrato ay gumalaw o nagbago ng puwesto.
Sinabi naman ni Bangit na miyembro ng Magdalo ang kumuha ng litrato at nakonsensiya daw ito kaya ibinigay ang impormasyon sa pamahalaan.(Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended