2 testigo ni Pimentel palpak - AFP
August 13, 2003 | 12:00am
Palpak at kasama sa mga iniimbestigahan sa Makati mutiny ang dalawang hawak na Marine captain ni Senador Aquilino Pimentel bilang testgo sa umanoy talamak na bentahan ng armas at bala ng mga tiwaling opisyal ng AFP sa mga tinatawag na "enemies of the state."
Ayon kay Phil. Marine commandant Major Gen. Emmanuel Teodisio, taliwas sa pahayag ng kampo ni Pimentel, bagaman wala sa Oakwood hotel sina Marine Captains Danilo Luna at Ury Pesigan ay kasama ang mga pangalan ng mga ito sa master list ng mga mutineers na nakumpiska ng militar.
Base sa pahayag nina Luna at Pesigan, nangyari umano ang malawakang bentahan ng armas noong Disyembre 1997 na ang kasalukuyan pang AFP Chief of Staff ang ngayoy Defense Secretary na si Angelo Reyes habang si Ambassador Roy Cimatu naman umano ang AFP Southcom chief.
Pero sa rekord ng militar, hindi si Reyes ang chief of staff ng AFP noong 1997 kundi si ret. Gen. Arnulfo Acedera habang si ret. Lt. Gen. Romeo Padiernos naman ang Southcom commander at hind si Cimatu.
Kaagad namang ipinag-utos ni Sec. Reyes sa liderato ng AFP na imbestigahan ang alegasyon ng dalawang Marine captains.
Nilinaw din ni Reyes na hindi siya ang chief of staff ng AFP noong 1995 bagkus siya ang hepe ng 5th Infantry Division sa Northern Luzon.
Sa affidavit ni Capt. Luna, commanding officer siya ng 17th Marine Company sa Jolo, Sulu noong Dis. 28, 1997 nang kanyang masaksihan ang pagdadala ng isang military truck na puno ng mga bala sa Bagis malapit sa tirahan ng isang dating kilalang Muslim rebel na si ex-Panamao town Mayor Hajji Bagis. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
22 hours ago
Recommended