Ilabas ang mutineers
August 13, 2003 | 12:00am
Inatasan ng Supreme Court ang AFP at PNP na dalhin sa Court of Appeals (CA) sa Lunes, Agosto 18, ang anim na junior officers ng Magdalo bilang tugon sa petition for habeas corpus ni Atty. Homobono Adaza, abogado ng junior officers, kung saan nakasaad sa petisyon na nilabag ng AFP at PNP ang karapatan bilang akusado ng mga batang opisyal.
Sa 2-pahinang en banc resolution na ipinalabas ng SC, inatasan nito na magsagawa ng pagdinig ang CA hinggil sa kahilingan nina Lt/SG Antonio Trillanes, Lt/SG James Layug, Capt. Milo Maestrecampo, Capt. Gary Alejano, Capt. Nicanor Faeldon at Army Capt. Gerardo Gambala na marinig ang paliwanag kung bakit nilalabag ang kanilang karapatan bilang akusado.
Pinaghahain din ng SC ang abogado ng Magdalo ng kanilang komento kung bakit kinakailangan na iharap pa ang nasabing grupo sa mga isasagawang pagdinig kaugnay sa kanilang kudeta.
Agad ring inatasan ng SC na magsagawa ang CA ng raffle para malaman kung saang dibisyon nito isasagawa ang nasabing hearing. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest