Walang sasantuhin - GMA
August 13, 2003 | 12:00am
Bumuo kahapon si Presidente Arroyo ng dalawang task force upang tukuyin ang mga opisyal sa militar at Department of National Defense na sangkot sa diumanoy pagbebenta ng mga sandata at amunisyon sa mga rebeldeng kalaban ng pamahalaan.
Ipinahiwatig ng Pangulo na kapag napatunayan ang katiwalian, kahit si Defense Secretary Angelo Reyes pa ay haharap sa karampatang prosekusyon at ipakukulong kung nagkasala.
Hinikayat ng Pangulo ang mga sundalo na lumantad at magbigay ng kanilang nalalaman sa umanoy akusasyon ng nagrebeldeng junior officers ukol sa bentahan ng armas sa mga kalaban ng gobyerno.
Ang lilikhaing task force ang magsasagawa ng reporma sa proseso ng pamimili ng kagamitan at armas ng AFP at sistema ng pagpapalabas ng pondo.
Samantala, isang anti-corruption unit naman ang pangalawang task force na magsasagawa ng pagmamanman sa istilo ng pamumuhay ng mga inaakusahang tiwaling mga opisyal ng militar at magsisiyasat sa mga inirereklamong pangungurakot sa DND at AFP.
Magkakaroon din ng kahalintulad na hakbang para malinis ang PNP sa pamamagitan ng PNP Reform Commission.
Sinabi ng Pangulo na ang task force laban sa corruption sa AFP at DND ay malapit na makikipagtulungan sa Presidential Anti-Graft Commission kasama ang Deputy Ombudsman for Military Affairs. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended