Mind torutre dinaranas ng Magdalo leaders
August 11, 2003 | 12:00am
Dumaranas ngayon ng matinding psychological torture ang limang top leaders ng Magdalo Group na nakakulong sa detention cell ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Phils. (ISAFP).
Ayon sa mga abogado ng nasabing grupo, tuluyan na umanong nilabag ng bagong ISAFP chief na si Maj. Gen. Pedro Cabuay ang karapatan ng kanilang mga kliyente.
Dahil dito, nakatakdang magsampa ngayon ng mosyon ang mga abogado ng mga nag-alsang opisyal sa Korte Suprema upang huwag sikilin ang kanilang indibiduwal na karapatan ng naturang mga junior officers.
Sinabi ni Atty. Homobono Adaza, isa mga lead counsel ng Magdalo Group na magsasampa sila ng petisyon para sa writ of habeas corpus at hihilingin din nila ang kalayaan ng kanilang mga kliyente.
"The government is gagging them, depriving them of their constitutional rights," pahayag ni Adaza.
Kabilang sa nasabing grupo sina Lt. Sr. Grades Antonio Trillanes IV, James Layug, Army Capts. Gerardo Gambala, Milo Maestrecampo at Marine Capt. Gary Alejano, pawang sa Philippine Mlitary Academy Class l995.
Inirereklamo ng mga lider ng Magdalo Group, ayon na rin kay Adaza ang pagsikil ng kanilang karapatan na maipahayag ang kanilang mga hinaing habang limitado na rin ang pagbisita sa mga ito ng kanilang mga abogado.
"Under the law, they are entitled to be visited by their lawyers anytime of the day. Even the convicted criminials at the Muntinlupa are allowed to be visited anytime," ani Adaza. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
12 hours ago
Recommended