Sa ginanap na HIV-AIDS National Information Dessimination Forum, sinabi ni Dr. Ricardo Mateo, chairman ng National Sentinel Surveillance System na bigo ang pamahalaan sa pagpapakalat ng impormasyon ukol sa nasabing sakit dulot ng patuloy na pagtaas ng bilang ng carrier nito.
Aniya, ang mga Class A hanggang C na Pilipino lamang umano ang naaabot ng impormasyon ng pamahalaan laban sa AIDS at hindi na nakakarating pa sa maralitang Pilipino na nasa Class D pababa.
Malaking porsyento naman ng 6,000 HIV positive ay pawang mga lalaki na aktibo sa pakikipagtalik sa ibat ibang partners.
Dahil dito, nanawagan ang DOH sa mga kalalakihan na maging maingat sa pakikipagtalik sa pamamagitan ng paggamit ng condom at maging tapat sa kanilang asawa.
Kataka-taka naman na 1 porsyento lamang sa naturang datos o higit sa 60 katao ay mga sex workers o prostitutes.
Ito ay dahil umano sa marami sa mga sex workers na kontaminado sa nasabing sakit ay hindi na natutungo sa mga pagamutan kaya malaking porsyento ng mga ito na carrier ay hindi nakatala sa DOH.
Nanawagan pa si Mateo sa publiko na kilalaning mabuti muna ang bawat sexual partners bago makipagtalik dahil sa maaaring isa na ito sa mga HIV carriers na nagtatago sa DOH at nagpapakalat ng nasabing sakit. (Ulat ni Danilo Garcia)