^

Bansa

6,000 Pinoy may AIDS

-
Umakyat na sa 6,000 Pilipino ang naitala ng Department of Health (DOH) na nagtataglay ng nakahahawa at nakamamatay na sakit na Acquired Immune Defficiency Syndrome (AIDS) sa kabila ng kampanya para mapigilan ang pagkalat nito.

Sa ginanap na HIV-AIDS National Information Dessimination Forum, sinabi ni Dr. Ricardo Mateo, chairman ng National Sentinel Surveillance System na bigo ang pamahalaan sa pagpapakalat ng impormasyon ukol sa nasabing sakit dulot ng patuloy na pagtaas ng bilang ng carrier nito.

Aniya, ang mga Class A hanggang C na Pilipino lamang umano ang naaabot ng impormasyon ng pamahalaan laban sa AIDS at hindi na nakakarating pa sa maralitang Pilipino na nasa Class D pababa.

Malaking porsyento naman ng 6,000 HIV positive ay pawang mga lalaki na aktibo sa pakikipagtalik sa iba’t ibang partners.

Dahil dito, nanawagan ang DOH sa mga kalalakihan na maging maingat sa pakikipagtalik sa pamamagitan ng paggamit ng condom at maging tapat sa kanilang asawa.

Kataka-taka naman na 1 porsyento lamang sa naturang datos o higit sa 60 katao ay mga sex workers o prostitutes.

Ito ay dahil umano sa marami sa mga sex workers na kontaminado sa nasabing sakit ay hindi na natutungo sa mga pagamutan kaya malaking porsyento ng mga ito na carrier ay hindi nakatala sa DOH.

Nanawagan pa si Mateo sa publiko na kilalaning mabuti muna ang bawat sexual partners bago makipagtalik dahil sa maaaring isa na ito sa mga HIV carriers na nagtatago sa DOH at nagpapakalat ng nasabing sakit. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ACQUIRED IMMUNE DEFFICIENCY SYNDROME

CLASS A

CLASS D

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. RICARDO MATEO

NATIONAL INFORMATION DESSIMINATION FORUM

NATIONAL SENTINEL SURVEILLANCE SYSTEM

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with