Walang double jeopardy sa mutineers
August 9, 2003 | 12:00am
Tiniyak ng Palasyo na hindi lalasapin ang double jeopardy sa kasong kinakaharap ng mga nagrebeldeng sundalo.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye na nagkakaroon ngayon ng koordinasyon ang Department of Justice at ang Judge Advocate General Office (JAGO) upang makabuo ng consensus kung saang korte dapat paharapin ang mga rebeldeng sundalo.
Ayon kay Bunye, hindi tutol ang Palasyo na pag-aralang mabuti ang usapin hinggil sa kung saan dapat humarap ang mga nag-aklas na sundalo kung ito ay sa military court na lumabag sa Articles of War o sa civilian court sa pamamagitan ng Revised Penal Code.
Ipinaliwanag naman ni Bunye na maaaring humarap sa civilian at military courts ang mga mutineers kung magkakaiba ang asunto para maiwasan ang pagkakaroon ng double jeopardy.
Nauna rito, isinampa na ng DOJ ang kasong kudeta sa Makati Regional Trial Court laban sa mga ito samantalang isinusulong rin ang kaso sa military court kung kaya lumutang ang usapin sa double jeopardy. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended