^

Bansa

Edris 'sinalvage' para di pumiyok ?

-
Ibinunyag kahapon ni Senator John Osmeña na "sinalvage" ang Abu Sayyaf bomb expert na si Abdulmukin Edris upang hindi na ito makapagsalita pa kung sinu-sino ang tumulong sa kanila ni Indonesian terrorist Fathur Rohman Al-Ghozi na tumakas mula sa kanilang selda sa PNP-Intelligence Group compound sa Camp Crame.

Sinabi ni Sen. Osmeña, isang contact niya mula sa Lanao ang nagbunyag na "pinatay" si Edris at kasama nitong si Mahmood Esmael na kumander ng MILF noong Huwebes sa Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte.

"May Lanao contacts suspected that Edris had been under custody for some time and the supposed arrest last Thursday was a sham," wika pa ng senador.

Iginiit ni Osmeña na hindi siya makapaniwala sa mga lumang linya ng militar na matapos maaresto si Edris sa isang military checkpoint ay nagawa nitong mang-agaw ng baril sa kanyang military escorts habang papunta umano sila sa hideout ni Al-Ghozi at isa pang kasamang pumuga na si ASG bomb expert Merang Abante.

"No fugitive especially a high profile like Edris would recklessly pass through a military checkpoint," wika pa ni Osmeña.

May patong na P3 milyon sa ulo si Edris matapos itong tumakas noong Hulyo 14 kasama sina Al-Ghozi at Abante.

Inamin naman ni Osmeña na mahihirapan nang patunayan ng kanyang Lanao contacts ang mga ibinunyag nito matapos tuluyang "patahimikin" si Edris. (Ulat ni Rudy Andal)

ABDULMUKIN EDRIS

ABU SAYYAF

AL-GHOZI

CAMP CRAME

EDRIS

FATHUR ROHMAN AL-GHOZI

INTELLIGENCE GROUP

LANAO

MAHMOOD ESMAEL

OSME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with