Impeachment vs SC justices sisimulan na
August 5, 2003 | 12:00am
Umusad kahapon sa mababang kapulungan ng Kongreso ang reklamong pagpapatalsik sa puwesto laban sa mga justices ng Supreme Court na isinampa ni dating Pangulong Estrada.
Nakasaad sa memorandum na ibinigay ni Speaker Jose de Venecia kay Majority Leader Neptali Gonzales II, chairman ng House committee on rules, na isama sa Order of Business ang verified complaint laban kina Justice Hilario Davide, Associate Justice Artemio Panganiban at iba pang mahistrado.
Sa ilalim ng Rules of the House, mayroong 10 session days si de Venecia bilang Speaker na i-refer sa kaukulang komite ang naturang impeachment complaint.
Nag-ugat ang reklamo sa akusasyong nakipagsabwatan umano ang mga SC justices para mapatalsik sa puwesto si Estrada at maluklok bilang Pangulo ng bansa si Gloria Macapagal-Arroyo. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest