Mistah ni Trillanes ginawang miyembro ng fact finding

Hinirang kahapon ni Pangulong Arroyo ang classmate ni Navy Lt/Senior Grade Antonio Trillanes bilang ika-7 miyembro ng fact finding commission na mag-iimbestiga sa Makati mutiny.

Agad nanumpa sa tungkulin sa Malacañang si Capt. Roland Narciso na miyembro ng PMA Class ’95.

Si Narciso ay kaklase ng mga nagrebeldeng young officers na pinamunuan ni Lt/Senior Grade Antonio Trillanes.

Umalis ito sa Phil. Air Force at kasalukuyang piloto ng Philippine Airlines.

Naunang itinalaga ng Pangulo sa commission sina Justice Florentino Feliciano bilang chairman at ang iba pang miyembro na sina Justice Minerva Gonzaga-Reyes, UP Prof. Carolina Hernandez, Fr. Joaquin Bernas, retired Commodore Rex Robles at Capt. Rex Banjo Bumanlag. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments