Pulitikong hindi magpapa-drug test pinahaharang sa Comelec
August 3, 2003 | 12:00am
Nanawagan kahapon si Davao Oriental Rep. Mayo Almario sa Commission on Elections (Comelec) na huwag payagang kumandidato ang mga pulitikong hindi sasailalim sa drug tests.
Ayon kay Almario, hindi rin dapat iboto ng publiko ang mga pulitikong tatangging magpa-drug test bilang tugon sa kampanya ng gobyerno laban sa droga.
Upang mapatunayan aniyang hindi isang user ang isang kandidato, walang dahilan upang hindi ito magpa-drug test.
Naniniwala ang solon na may malaking impact sa sosyedad kapag pinayagang makaupo sa puwesto ang isang kandidatong drug dependent o pusher.
Sa mga kandidato, hindi na umano dapat hintayin pa ng mga ito na ilabas ng Comelec ang guidelines para sa gagawing drug tests.
Nakapaloob sa ipinasang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2003 (RA 9165) na ang lahat ng kandidato sa anumang elective positions sa gobyerno at maging appointive public officials ay kailangang sumailalim sa mandatory at periodic drug testing.
Iginiit pa nito sa Comelec ang mahigpit na implementasyon nito sa naturang batas kasabay sa pagsusumite ng mga kandidato sa kanilang certificate of candidacy. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest