Cabuay bagong ISAFP chief
Nanungkulan na kahapon si Major Gen. Pedro Cabuay bilang bagong hepe ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) matapos itong italaga ni Pangulong Arroyo kapalit ng nagbitiw na si Brig. Gen. Victor Corpus. Si Cabuay ay nakomisyon sa military service noong 1973 at kasalukuyang deputy chief of intelligence ng AFP. Ang 20 taon niya sa serbisyo ay nagugol sa intelligence work at partikular na bihasa sa psy-ops (psychological operations).Samantala si Corpus ay nakatakdang magretiro sa serbisyo sa Oktubre 4, 2003 na kanyang ika-60 kaarawan matapos makumpleto ang 30-taong serbisyo sa AFP. (Ulat ni Joy Cantos)