^

Bansa

Pagbuo ng hiwalay na PNP Reform Commission inatras

-
Hindi na itutuloy ni Pangulong Arroyo ang balak na bumuo ng hiwalay na PNP Reform Commission na kanyang ipinangako sa State of the Nation Address (SONA) noong Lunes.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye na palalawakin na lamang ng Pangulo ang kapangyarihan ng Ordoñez Commission upang masakop na ang reorganisasyon sa PNP.

Ipinaliwanag ni Bunye na nagdesisyon ang Pangulo na dagdagan na lamang ang bilang ng mga miyembro ng Ordoñez Commission mula sa orihinal na tatlo ay gagawing lima katao.

Nauna rito, ang pangunahing tungkulin lamang ng Ordoñez Commission ay imbestigahan ang pagtakas ng teroristang si Fathur Rohman Al-Ghozi.

Samantala, sinabi ni Bunye na naghahanap pa si Pangulong Arroyo ng mga puwedeng maging miyembro ng hiwalay na komisyon na magsisiyasat naman sa Davao bombings na ang itinuturong responsable ng mga nagrebeldeng sundalo ay sina Defense Secretary Angelo Reyes at Brig. Gen. Victor Corpus. (Ulat ni Ely Saludar)

BUNYE

DEFENSE SECRETARY ANGELO REYES

ELY SALUDAR

FATHUR ROHMAN AL-GHOZI

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN IGNACIO BUNYE

REFORM COMMISSION

STATE OF THE NATION ADDRESS

VICTOR CORPUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with