Ayon kay Velasco, kung hindi sa kanya ay hindi matatapos ang krisis sa Makati. Ipinaliwag ni Velasco na masyadong bineybi nina Biazon, Sotto at Honasan ang mga rebeldeng sundalo kung kaya umentra na daw siya at natapos agad ang negosasyon.
Inakusahan din ni Velasco ang mga senador na nangangampanya lang at ang tingin ng mga ito sa mga rebeldeng sundalo ay parang mga botante.
Ang mga pagyayabang na ito ni Velasco ay kasabay ng pagtanggi na ang Malacañang ang siyang humingi ng tulong kay Honasan para sa negosasyon sa Magdalo Group. (Ulat ni Ely Saludar)