Kaugnay nito, hiniling kahapon ng mga abogado ni Laurel sa Sandiganbayan na e-extend ang leave to travel ng dating vice-president hanggang Agosto 15, 2003 upang kumuha ng second opinion kaugnay sa kanyang sakit.
Si Laurel, 74, ay halos araw-araw na sumasailalim sa pagsusuri sa nakaraang isang buwan at kalahati dahil sa kanyang severe anemia secondary myelophthisis," isang kondisyon kung saan ang blood forming elements ng bone marrow ay hindi nakakalikha ng normal blood cells, dahil sa isang specific types ng toxin o overgrowth ng tumor cells.
Nahaharap si Laurel sa graft charges sa Sandiganbayan kaugnay sa diumanoy nangyaring anomalya sa P1.6 bilyong Freedom Ring Project sa Clark, Pampanga.
Inakusahan siya na nagbigay ng undue benefit sa private contractor na Asia Construction Development Authority (Asiakonstrukt) ng payagan niya ang pagbabayad ng P384.8 milyon sa nasabing kompanya nang hindi dumadaan sa public bidding. (Ulat ni Malou Escudero)