Hindi ako ang utak - Gringo
July 30, 2003 | 12:00am
Iginiit ni Sen. Gregorio Honasan sa kanyang privilege speech kahapon na malaking kalokohan ang pagbintangan siyang nasa likod ng nabigong mutiny ng mga junior officers na pinamunuan ni Lt. Senior Grade Antonio Trillanes noong Linggo sa Oakwood hotel sa Makati City.
Sinabi ni Honasan na napakababaw na dahilan para siya ang pagbintangan ni DILG Sec. Joey Lina dahil naging batayan ng mga ito ang kanyang "National Recovery Program."
Naghihinanakit din si Honasan nang agaran siyang tukuyin ni Sec. Lina gayung isa siya sa ipinatawag ni Sec. Rene Velasco at Housing Sec. Mike Defensor kasama sina Senators Vicente Sotto at Rodolfo Biazon para mamagitan at himukin ang mga junior officers na mag-usap at lutasin ng payapa ang kanilang mga hinaing laban sa liderato ng AFP.
Ipinagmalaki rin ni Honasan na kaya lamang pinayagan ng Magdalo group na makipag-usap sa ipinadalang sugo ng Malacañang na si Ambassador Roy Cimatu ay dahil sa pakiusap nilang mga miyembro ng oposisyon.
Siniguro naman ni Senate President Franklin Drilon na hindi maaaring hulihin si Honasan kung walang warrant of arrest kahit hindi pa inaalis ni Pangulong Arroyo ang "state of rebellion."
Aniya, kung pagkatapos ng due process ay nagpalabas ang korte ng warrant laban kay Honasan ay dapat igalang ito.
Kaugnay nito, ipatatawag si Lina sa Senado dahil sa pagbibintang niya kay Honasan. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended