Trike drivers kay GMA: Takbo ka!
July 29, 2003 | 12:00am
Nanawagan kay Pangulong Arroyo ang mahigit sa dalawang milyong miyembro ng pambansang samahan ng mga traysikel sa bansa na muli nitong pag-isipan ang naunang desisyon na huwag nang pumalaot sa larangan ng pulitika sa susunod na halalan.
Sa kanilang ibinigay na manipesto noong Sabado kay Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay Jr. para sa Pangulo, sinabi ng Aktibong Alyansa ng Tricycle Operators at Drivers Association sa Pilipinas (A.A. ng TODAPIL) Inc. secretary general na si Romeo Flores na nararapat lamang ikonsidera ni Arroyo ang kanyang naging pahayag na huwag nang lumahok sa pampanguluhang halalan sa 2004.
"Kami ang mahigit sa dalawang milyong kasapian ng mga tricycle drivers sa buong bansa, ay nananawagan kay Pangulong Arroyo na muling pag-isipan ang kanyang desisyon na huwag tumakbo sa 2004 presidential elections. Naniniwala kami sa kanyang kakayahan na muling pangunahan ang taumbayan para sa higit pang kaunlaran," pahayag ni Flores sa kanilang manipesto matapos na manumpa sa harap ni Pichay bilang bagong pinuno ng A.A. TODAPIL.
Pinangako ng grupo sa Presidente na taos-puso nilang susuportahan ang mga programa nitong pang-reporma, habang hinirang din nila ang Pangulo bilang pinakamahusay pa rin sa mga pinagpipiliang kandidato para sa 2004.
Sa kanyang mensahe, sinabi naman ni Pichay na bagaman sinusuportahan niya ang panawagan ng alyansa, dapat maging mahinahon ang sambayanan at bigyan ng pagkakataon si Pangulong Arroyo na mag-isip.
Hinikayat din ni Pichay ang samahan na maging mata at tenga ng pamahalaan laban sa terorismo at illegal na droga. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended