^

Bansa

SONA tuloy ngayon

-
Sa kabila ng nagaganap na kaguluhan sa pagitan ng pamahalaan at mga nagrebeldeng junior officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Makati City kahapon, inihayag ng Malacañang na tuloy pa rin ang nakatakdang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ngayong araw.

Kaugnay nito, umaabot sa 7,000 miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang ipapakalat sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila upang maiwasan ang anumang nagbabadyang kaguluhan hatid ng iba’t ibang militanteng grupo na siyang sasalubong sa SONA ng Pangulo.

Noon pang nakaraang linggo ay ipinatupad na ang mahigpat na seguridad sa pagpasok sa Batasan Complex upang masigurong walang makakapanabotahe sa nasabing pagtitipon.

Bukod sa mga security personnel ng House of Representatives na Legislative Security Bureau (LSB), makakasama rin sa pagbabantay sa lahat ng gusali ng Kamara ang mga miyembro ng PNP-Action Force at PSG.

Uupo ngayong umaga ang pitong bagong Partylist representatives sa ilalim ng liderato ni Speaker Jose de Venecia Jr.

Inihayag naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Dep. Director Reynaldo Velasco, tumatayo ring commander ng Task Force Kapayapaan na ipinakalat na ang mga pulis kagabi upang mapigil ang tangkang pananabotahe sa SONA ng Pangulo.

Ipinaiiral ng pulisya ang no permit no-rally police sa mga militant groups. (Ulat nina Malou Rongalerios-Escudero at Doris Franche)

ACTION FORCE

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BATASAN COMPLEX

DIRECTOR REYNALDO VELASCO

DORIS FRANCHE

HOUSE OF REPRESENTATIVES

LEGISLATIVE SECURITY BUREAU

MABABANG KAPULUNGAN

MAKATI CITY

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with