Ang dalawag opisyal na may ranggong heneral at colonel ay mga miyembro ng Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa (RAM), isang grupo ng mga sundalo at pulis na nasangkot sa pitong bigong kudeta noong panahon ng rehimen ni dating Pangulong Cory Aquino.
Tumanggi naman ang isang military source na sabihin kung ang planong destabilisasyon ay may basbas ng liderato ng RAM na sa kasalukuyan ay pinamumunuan ni retired Navy Commodore Domingo Calajate.
Sinabi pa ng source na ang dalawang opisyal ang nasa likod ng pagkalat ng white paper noong nakaraang linggo na nagdawit sa ilang opisyal ng PNP sa pagtakas ni Indonesian terrorist Fathur Rohman Al-Ghozi.
Matapos umanong gumawa ng gulo sa PNP, ipinalutang naman ng dalawa ang umanoy balak na kudeta ng mga miyembro ng PMA Class 94 at 95. (Ulat ni Joy Cantos)