Dating coup plotter ginawang commander ng Scout Ranger
July 25, 2003 | 12:00am
Binigyan ni Pangulong Arroyo ng mahalagang puwesto ang sinasabing dating coup plotter at naging tagapagsalita ng RAM na si Col. Danilo Lim, bilang pinuno ng 1st Scout Ranger Regiment, ang elite force ng Philippine Army na nakabase sa Camp Tecson, San Miguel, Bulacan.
Ito ay sa gitna ng mga ulat na nag-aalburoto ang mga junior oficers sa AFP kaugnay ng paglutang ng bantang kudeta.
Tiniyak ni Lim na siya mismo ang haharang sa anumang balak na kudeta laban sa kasalukuyang administrasyon.
Samantala, muling nanindigan kahapon si Defense Secretary Angelo Reyes na pawang tsismis lamang ang napabalitang may "military uprising" na isasagawa ang mga dismayadong junior officers ng hukbong sandatahan.
Umapela si Reyes sa publiko na huwag basta maniwala sa walang basehang ulat dahil hindi maganda ang idudulot nito sa bansa. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest