^

Bansa

Kuryente kukunin sa hangin

-
Hiniling kahapon ni Senator Ramon Magsaysay Jr. sa Senate committee on energy na pag-aralang mabuti kung magagamit na alternatibong pagmumulan ng elektrisidad ang hangin kaysa umangkat tayo ng krudo para sa ating mga planta.

Sinabi ni Sen. Magsaysay, bukod sa hindi magastos ay walang polusyong maidudulot ito sakaling magamit ang hangin bilang source ng ating elektrisidad sa bansa.

Aniya, sa isinagawang pag-aaral ng United States National Renewable Energy Laboratory gamit ang Geographical Information System ay natuklasang maraming lugar sa bansa ang palagiang malakas ang hangin tulad ng Batanes at Babuyan island sa Northern Luzon.

Sa ilalim ng kanyang senate resolution 640, hiniling ni Magsaysay sa senado na pag-aralang mabuti kung magagamit nating source ng kuryente ang hangin at ang paggamit sa Philippine Wind Energy System.

Wika pa ni Magsaysay, dahil mayroon tayong mahigit na 10,000 square kilometer ng mahahanging lugar sa bansa ay baka puwedeng magamit natin ito bilang alternatibong source ng kuryente kaysa umangkat tayo ng krudo na ginagamit sa mga power plants.

Ang Batanes at Babuyan islands ay palaging dinadaanan ng mga bagyo kaya palaging malakas ang hangin dito at para makatipid ay pag-aralan natin kung puwedeng magamit ang hangin bilang source ng ating elektrisidad, dagdag pa ng senador. (Ulat ni Rudy Andal)

ANG BATANES

ANIYA

BABUYAN

GEOGRAPHICAL INFORMATION SYSTEM

MAGSAYSAY

NORTHERN LUZON

PHILIPPINE WIND ENERGY SYSTEM

RUDY ANDAL

SENATOR RAMON MAGSAYSAY JR.

UNITED STATES NATIONAL RENEWABLE ENERGY LABORATORY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with