Roco dudurugin ni Erap
July 24, 2003 | 12:00am
Hindi papopormahin ni dating Pangulong Estrada na makaupo bilang pangulo ng bansa si dating Education Secretary Raul Roco at malayo pa man ang halalan ay naghayag na ang una na hindi niya susuportahan ang huli.
Sa kanyang pahayag, nangako pa umano si Estrada na kasama ang kanyang Puwersa ng Masa sa pagdurog sa ambisyon ni Roco na maging pangulo ng Pilipinas.
Para kay Estrada, higit na mas mabuting tao si Pangulong Arroyo kung ikukumpara kay Roco. Hindi umano malilimutan ni Estrada ang ginawang paninira sa kanya ni Roco nang talunin niya ito sa presidential elections noong 1998.
Isiniwalat din ni Erap ang tunay na pagkatao ni Roco matapos sumulpot ang ilang kasong kriminal na isinampa sa Office of the Ombudsman ng mga empleyado ng DepEd laban sa dating kalihim.
Sa sorpresang pahayag, sinabi kamakailan ng dating pangulo na hindi mapagkakatiwalaan si Roco kaya walang maasahang mahusay na pamamahala sa dating kalihim sakaling maupo ito bilang Pangulo ng bansa.
Sakali anyang pumalaot nang tuluyan si Roco bilang kandidato sa pagka-Pangulo, mas gugustuhin pa niyang suportahan si Pangulong Arroyo kaysa sa dating kalihim.
Matatandaan na noong Lunes ay nagsampa ng tatlong kaso ng katiwalian ang DepEd Central Employees Union sa Ombudsman. Nilabag umano ni Roco ang RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act ng waldasin umano nito ang pondo ng DepEd sa tatlong pagkakataon.
Anila, nilabag ni Roco ang patakaran ng ahensiya ng magpagawa ito ng 350,000 posters na naglalarawan ng kanyang mukha at nagkakahalaga ng P1.14 milyon ng walang public bidding.
Illegal din umano ang paggamit ni Roco ng helicopter ng magpunta ito sa Benguet Province na ikinalugi anya ng pamahalaan dahil P221,000 ang renta dito kada lipad.
Sinasabing pinigil rin ni Roco ang paglagak sa National Treasury ng mahigit P74 milyong service fee collections ng DepEd na paglabag sa normal auditing and accounting procedures na itinakda ng batas. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest