Sinabi ni Estrada sa isang panayam sa telebisyon na kung ikukumpara kay Roco, higit na mas mabuting tao si Arroyo.
Hindi umano malilimutan ni Estrada ang ginawang paninira sa kanya ni Roco nang talunin niya ito sa presidential elections noong 1998.
Ayon pa kay Estrada, dapat mag-ingat ang ibang kandidato kay Roco dahil magaling umano itong gumawa ng alegasyon.
Pero sinabi din ni Estrada na mas gugustuhin pa rin niya na magkaroon ng sariling kandidato ang oposisyon sa 2004.
Kasama sa mga pinagpipilian ni Estrada na susuportahan sa 2004 sa hanay ng oposisyon sina action king Fernando Poe Jr., Sen. Panfilo Lacson at businessman Danding Cojuangco.
Posibleng sa Agosto ihayag ni Estrada kung sino ang magiging manok ng oposisyon para tumakbong presidente.
Nangunguna pa rin sa pinapaboran ni Estrada na posibleng tumakbo ang matalik niyang kaibigan na si FPJ na kasama lagi sa survey ng mga presidentiables.(Ulat ni Malou Escudero)