Kaso pa vs Roco isinampa ng DepEd union
July 22, 2003 | 12:00am
Panibagong kaso ang kakaharapin ni dating Education secretary at presidential aspirant Raul Roco matapos siyang sampahan kahapon sa Ombudsman ng tatlong kaso ng katiwalian ng Department of Education Central Employees Union.
Ayon sa complaint affidavit ng unyon, nilabag ni Roco ang R.A. 3019 dahil sa pag-hire niya ng helicopter na hindi naman talaga kinakailangan gamit ang pondo ng World Bank Third Elementary Education Project. Ayon sa unyon, noong Oktubre 10, 2001, binisita ni Roco ang Baguio City at Mt. Province gamit ang nirentahang helicopter ng Cebu Air sa halagang P217, 292.25.
Nilabag din umano ni Roco ang P.D. 1455 sa paggamit niya ng pondo ng pamahalaan sa pagpapagawa ng mga mamahaling 350,000 posters na ipinapakita ang kanyang mukha para umano isulong ang ambisyon niyang maging pangulo ng bansa. Wala din umanong isinagawang public bidding sa pag-imprenta ng mga ito.
Nilabag din ni Roco ang R.A. 3019 sa hindi pag-remit ng mahigit sa P74 milyong service fee ng DepEd sa National Treasury na ikinalugi umano ng pamahalaan. Idineposito umano ni Roco ang milyun-milyong pisong salapi sa Land Bank. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest