Sinabi ni Pagdanganan na kahit malinaw sa batas na ang pera ay dapat mapunta sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), tinatanggap niya na ang mga human rights victims ay may bahagi.
Napansin niya na binago ang batas upang magkaroon ng bahagi sa pera ang mga human rights victims sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, kaya dapat bayaran ang mga magsasaka na naging biktima ng kalupitan sa panahon ng martial law.
Idinagdag pa na sa kanayunan naganap ang mabagsik na kampanya laban sa mga maghihimagsik.
Napagsuspetsahan at inakusahan aniya ang mga magsasaka na kasama ng mga maghihimagsik o tumutulong sa mga maghihimagsik kaya pinuntirya ng mga militar tulad ng sapilitang paglilikas, hamleting at search and destroy.
Kung kinakailangan, dapat din aniyang gamitin ng Dept. of Agrarian Reform ang mga pasilidad nito upang malaman kung sino sa mga Agrarian Reform beneficiaries ang naging mga biktima.