^

Bansa

Bitay sa 10 death convicts pinigil

-
Pansamantalang ipinagpaliban ng Malacañang ang nakatakdang pagbitay sa 10 death row convicts sa New Bilibid Prisons (NBP) habang pinag-aaralan pa ni Pangulong Arroyo ang kanilang apela na ibaba na lamang sa habambuhay na pagkabilanggo ang kanilang sentensiya.

Nabatid mula sa isang pahinang memorandum na ipinalabas ni Justice Secretary Simeon Datumanong na ipinadala kay NBP director Dionisio Santiago, nakasaad dito ang pagpayag ni Pangulong Arroyo na iantala muna ang pagbitay sa nasabing mga inmates ngayong buwan ng Hulyo at Agosto habang pinag-aaralan kung maaari silang pagkalooban ng Executive clemency bago matapos ang dalawang buwang pagpapalawig o extension sa kanilang mga sentensiya.

Una nang hiniling ng mga inmates na pag-aralan muna nito ang kanilang kasong kinasasangkutan bago pa man tuluyang patayin sa pamamagitan ng lethal injection.

Kinilala ang 10 na sina Dindo Pajotal, may kasong robbery with homicide; Jefrey Garcia, forcible abduction with 3 counts of rape; Juan Manalo, Alejo Miasco, Rolando Pagdayaoan, Eddie Fernadillo na pawang may kasong rape; Jaime Carpio, Oscar Ibao, Warlito Ibao at Roche Ibao na may kasong multiple murder at attempted murder.

Gayunman, patuloy pa rin na naninindigan ang Pangulo na mabitay ang mga convicted drug traffickers alinsunod sa isinusulong na kampanya ng gobyerno laban sa droga.

Inaasahan naman na pakikinggan ng Palasyo ang karaingang ito.(Ulat ni Grace Dela Cruz)

ALEJO MIASCO

DINDO PAJOTAL

DIONISIO SANTIAGO

EDDIE FERNADILLO

GRACE DELA CRUZ

JAIME CARPIO

JEFREY GARCIA

JUAN MANALO

JUSTICE SECRETARY SIMEON DATUMANONG

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with