Sa isang pahayag, sinabi ni Pangulong Arroyo na inatasan na niya ang militar na ibaba sa aktibong depensa mula sa punitive operation ang isinasagawa nilang operational status.
At para mabigyang daan na ang nakatakdang panunumbalik ng negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at MILF, sinabi ng Pangulo na sinuspinde na ng korte ang mga ipinalabas na warrant of arrest laban kay MILF chairman Hashim Salamat at iba pang lider ng MILF na makakabilang sa negosasyon na sina Al Hadj Murad, Ghadzali Jaafar, Aleem Aziz Mimbantas, Eid Kabalu, Datucan Abas Mogagher Iqbal, Atty. Lanang Ali, Omar Pasigan, Comdr. Nurudin Ibrahim at Toks Ibrahim.
Inatasan na rin ng Pangulo ang DILG na suspindihin ang nakapatong na reward sa ulo ng mga nabanggit na lider ng MILF. (Ulat ni Lilia Tolentino)