^

Bansa

Gobyerno nagdeklara ng ceasefire;warrant of arrest sa MILF binawi

-
Nagkasundo na ang panel ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na magpatupad ng magkatuwang na tigil-putukan para manumbalik na ang negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at grupong rebelde.

Sa isang pahayag, sinabi ni Pangulong Arroyo na inatasan na niya ang militar na ibaba sa aktibong depensa mula sa punitive operation ang isinasagawa nilang operational status.

At para mabigyang daan na ang nakatakdang panunumbalik ng negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at MILF, sinabi ng Pangulo na sinuspinde na ng korte ang mga ipinalabas na warrant of arrest laban kay MILF chairman Hashim Salamat at iba pang lider ng MILF na makakabilang sa negosasyon na sina Al Hadj Murad, Ghadzali Jaafar, Aleem Aziz Mimbantas, Eid Kabalu, Datucan Abas Mogagher Iqbal, Atty. Lanang Ali, Omar Pasigan, Comdr. Nurudin Ibrahim at Toks Ibrahim.

Inatasan na rin ng Pangulo ang DILG na suspindihin ang nakapatong na reward sa ulo ng mga nabanggit na lider ng MILF. (Ulat ni Lilia Tolentino)

AL HADJ MURAD

ALEEM AZIZ MIMBANTAS

DATUCAN ABAS MOGAGHER IQBAL

EID KABALU

GHADZALI JAAFAR

HASHIM SALAMAT

LANANG ALI

LILIA TOLENTINO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NURUDIN IBRAHIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with