^

Bansa

Balasahan sa PNP: Top to bottom

-
Iniaamba ni Pangulong Arroyo ang isang "top-to-bottom revamp" sa PNP kung hindi malulutas ang seryosong katiwalian sa hanay ng pulisya.

Sinabi kahapon ng Pangulo na ang "corruption" ang siyang maaaring nasa likod ng mga pagpuga ng mga prominenteng detenido sa selda ng PNP headquarters sa Camp Crame na ang pinakahuli ay ang pagtakas nina Indonesian terrorist Fathur Al-Ghozi, Abdulmukin Edris at Omar Lasal alyas Meram Abante.

Kung wala anyang magandang resulta ang paglilinis sa hanay ng pulisya, hindi siya mangingiming gumawa ng malawakang pagbalasa mula itaas pababa.

Sinabi ng Pangulo na nasagad na ang pasensiya ng taong bayan sa mga matagal nang isyu ng katiwalian na ang sangkot lang ay iilang miyembro ng organisasyon.

"I call on the entire PNP leadership to shape up or ship out and we will not hesitate to undertake a top-to-bottom revamp if no results are forthcoming," sabi ng Pangulo. (Ulat ni Lilia Tolentino)

ABDULMUKIN EDRIS

CAMP CRAME

FATHUR AL-GHOZI

INIAAMBA

LILIA TOLENTINO

MERAM ABANTE

OMAR LASAL

PANGULO

PANGULONG ARROYO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with